Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan,
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita’y
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat ay pagyamaning kusa
Na tulad sa isang tunay na pinagpala.

Ang wikang Tagalog, tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila at sa salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang Siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Our Reader Score
[Total: 0 Average: 0]

Like it? Share with your friends!

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Choose A Format
Personality quiz
Series of questions that intends to reveal something about the personality
Trivia quiz
Series of questions with right and wrong answers that intends to check knowledge
Poll
Voting to make decisions or determine opinions
Story
Formatted Text with Embeds and Visuals
List
The Classic Internet Listicles
Open List
Submit your own item and vote up for the best submission
Ranked List
Upvote or downvote to decide the best list item